Basurahan
- anon
- Feb 13, 2021
- 1 min read
Pinaggamitan, hindi na kailangan,
Naubos na ang tinta, wala ng laman,
Tapos nang pagtiisan, aking pinagsawaan,
Yaring pagsasama, nag-umapaw ang kasinungalingan.
Tinapon ko na noon, ang pag-ibig na inasam,
Pinilas ang papel, ang pangakong walang hanggan,
Pinilit maging matatag, napuno ng pagaalinlangan,
Ang aking puso na hanggang ngayo'y nagdaramdam.
awit lods