top of page

Ang Lihim ng Anino sa Likod ng Pandemya

Pautang — Inang, hindi makabayad .

Iniibig ko ang aking mga anak,

Alang-alang sa kumakalam nilang mga tiyan.

Kinain ko na ang aking dignidad matustusan lang ang kanilang pangangailangan.


Mga delatang kumakalampag sa kalsada.

Ang aming lupang sinilangan, ginawang tahanan ng bakteryang naglipana.

Kinukupkop ang bawat Pilipino bata man o matanda.

Walang pinipili kung sino ang bagong biktima.


Nais kong makatulong sa pagsugpo ng pandemya.

Kaya naman sa mga naglilingkod sa unahang linya,

Sa mga nag-aaral para makaimbento ng bakuna,

Maging sa mga taimting nagdarasal, nasa inyo ang aking paghanga.

Patuloy akong mangangarap na makabangon ang bansang Pilipinas.


Mahal ko ang inang bayan, pero hindi ko diringgin ang payo ng pamahalaang bawal lumabas.

Dahil hindi man kami mamatay sa bakterya ay mamamatay kami nang dilat ang mga mata.

Hindi ko susundin ang tuntuning isang metrong distansya.

Dahil kailangan kong lumapit sa may kaya makahingi lamang ng ayuda.


Kung dati ay tinutupad ko ang tungkulin ko bilang Pilipino

Pero sa ngayon ay kailangan ko munang tuparin ang tungkulin ko sa mga anak ko.

Dahil ang buhay namin ay salat— isang kahig, isang tuka.

Gustuhin man naming tumigil sa bahay ay hindi pwede dahil wala kaming kakayahang tustusan ang ilang buwang pangangailangan.


Nawa ay paggising ko ay mabibiyaan kami ng ayuda

Ang bakterya ay walang pinipili, sana ay gano'n din ang pamahalaan

Tama na ang pagbubulsa ng mga tulong na dapat ang salat ang nakikinabang.

Lubog na sa utang ang bansa, lubugin mo rin sana ang pamahalaan sa konsensya.


Recent Posts

See All
Online Learning

Sa panahon ngayon na may epidemya Pag-aaral ko ay maitutuloy pa ba? Ako ay natatakot at nangangamba Na ang mga pangarap ko'y mawala na...

 
 
 
Titser Tatay

Guro, Maaaring iyo lamang nakikita bilang isang tagapag turo Maaaring isang kung sinong tao lamang na sayo ay gagabay para matuto At...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page