top of page

Titser Tatay

Updated: Sep 30, 2020

Guro,

Maaaring iyo lamang nakikita bilang isang tagapagturo,

Na siyang akala nati’y nariyan lamang upang tayo’y matuto.

Kung iniisip mong panandalian lamang ang kanilang serbisyo,

Hindi mo pa nakikilala ang guro ko.

Halika't sa'yo ay aking ipapakita,

Kung anong guro siya sa aking mga mata.

Masdan mo at iyong hahangaan

Ang nagsilbing pangalawa naming magulang.


Ayan nga't paparating na siya

Mga ngiti na bakas maging sa mata.

Yaring tindig na animo'y walang problemang dala-dala,

Diyan sa kilala, isang gurong palaging masaya.


Makinig ka't babati na siya

"All rise" ang wika niyang sinasabayan pa nga ng iba.

Masdan mo, hindi pa siya nagsisimula

'Pagkat may nakasimangot pa na nais niyang mapasaya.


Nakikita niyo ba

Ang pagsisikap na ginagawa niya?

Makita ka lang niyang nakatawa

Kahit panghuhusga ang kadalasang natatanggap niya.


Sa pagtuturo siya'y magsisimula na

Ngunit maya-maya'y asahan mo ang banat niya.

Korni man sa pandinig ng iba,

Hindi mo maitatangging napatawa ka rin niya.


Tatalikod na siya, mamamaalam.

Lingid sa isipan ng karamihan,

Ang lungkot sa likod ng kaniyang pagkaway.

Sa matang kay-punghay, batid ang lumbay.


Aking guro, hiling ko ang iyong ligaya.

Nais kong magpatuloy ang pagbibigay mo ng sigla.

Hindi ka lamang isang guro, maniwala ka.

Sapagkat isa kang ama - inspirasyong sinisinta.


Sa aking puso’t isipa’y nakalimbag na,

Ginoong Mark Dave, nasa iyo ang aking paghanga.

Maniwala ka, kung ika'y naging o magiging mag-aaral niya

Siya ang gurong mananatili sa iyong alala, maging sa iyong pagtanda. 


Padayon aking guro!


Originally titled as "Padayon Aking Guro!" by Childishblossom

Recent Posts

See All
Online Learning

Sa panahon ngayon na may epidemya Pag-aaral ko ay maitutuloy pa ba? Ako ay natatakot at nangangamba Na ang mga pangarap ko'y mawala na...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page