top of page

Online Learning

Updated: Sep 30, 2020

Sa panahon ngayon na may epidemya

Pag-aaral ko ay maitutuloy pa ba?

Ako ay natatakot at nangangamba

Na ang mga pangarap ko'y mawala na lang bigla


Wala akong sapat na kagamitan

Sa Online Learning na bagong paraan

Wala rin matibay na internet connection

Na pangunahing kailangan ngayon


Ako ay simpleng bata lamang

Nagmula sa mahirap na pamilya

Edukasyon ang tanging kayamanan

Pagkamit nito ay mahahadlangan ba?


Alam kong hindi ako nag-iisa

Na nararanasan ang ganitong kalagayan

Maging mga guro ay nahihirapan

Na makasabay sa bagong paraan ng pag-aaral


Ngunit hindi ito dahilan ng aking pagsuko

Sinimulan kong laban, di ko papatalo

Mga pangarap, panghahawakan ng husto

Sapagkat sa huli, laban ko maipapanalo



Maghahanap ako ng iba't-ibang paraan

Pag-aaral ko'y hindi mahinto lamang

Mga magulang na aking inspirasyon

Alam kong nahihirapan din ngayon


Kagawaran ng Edukasyon gumawa ng paraan

Para sa aming walang kagamitan

Online, blended at modular

Paraan para maipagpatuloy ang pag-aaral


Mananatili akong positibo

Sa panahon ngayon na puro negatibo

Mahirapan man ako ng husto

Pangarap ko lang hindi maglaho


Epidemya ay matatapos rin

Mababalik ang dating gawi

Edukasyon na aking hangarin

Mga eskwelahan magbubukas rin


Sa aking munting tula

Nilahad ko aking pag-aalala

Ngunit hindi mawawalan ng pag-aasa

Para sa pag-aaral na aking pinag-iingatan


Recent Posts

See All
Titser Tatay

Guro, Maaaring iyo lamang nakikita bilang isang tagapag turo Maaaring isang kung sinong tao lamang na sayo ay gagabay para matuto At...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page