M.U.
- Childish Blossom
- Feb 14, 2021
- 1 min read
Ako'y nananahimik lang sa tabi
Pero ginulo mo ang buhay ko nang walang pasintabi
O kay bilis ng mga pangyayari
Sa tahimik kong buhay ikaw ay nakisali
Hindi naman ako nagbibigay motibo
Pero aaminin ko puso ko'y tumibok lamang sayo
Mahal na nga yata kita, pag-amin ko sa sarili ko
Sobra-sobra naman ang balik mo
Hatid-sundo galing sa eskwela
May tsokolate at ibang pagkain pang kasama
Mga rosas na mapupula
Sino ba naman ang hindi mahahalina?
Pero dumating na sa punto
Nang dahil sa takot ko may nabitawan ako
"Itigil na natin to"
Na siyang nagpabago sa aking mundo
Pagkatapos ko itong masabi
Ako ngayon ay nagsisisi
Kung bakit ko iyon nasabi
Sa taong gusto lang akong mapasaya't mapangiti
Maling-mali ako
Sa desisyon na nagawa ko
Nang dahil sa takot ko,
nawala ang nagbibigay kulay sa mundo ko
Gusto kong bawiin ang lahat na aking nasabi
Gusto kong sabihin na "sana tayo nalang muli"
"Bumalik kana sa dati mong gawi"
"Yung masaya kana kapag ako'y iyong napapa ngiti"
Ako ay tuwang-tuwa
Nang dalangin ko'y natupad na nga
Sa akin ikaw ay bumalik na
Ngunit ganun nalang ang lungkot ng ika'y nagbago na, kaya ang dating ikaw ay hinahanap-hanap ko na
Lambing mo ay hindi na gaya ng dati
Pag tayo ay magkasama parang ibang tao lang ako na nasa 'yong tabi
Hindi ka na pala-ngiti gaya ng dati
Tingin ko ibang iba kana kumpara dati
Aaminin ko nasasaktan ako
Dahil ito ay ang malaking kasalanan ko
Pero hanggang ngayon masasabi ko parin sayo
Mahal parin kita kahit ikaw ay nag bago, yun ang totoo
Comments