top of page

Delubyo

  • anon
  • Feb 13, 2021
  • 1 min read

hindi alintana sa akin ang ulan

ang pagbuhos ng munting patak ng tubig mula sa kalangitan

hindi ako kailanman nabagabag ng ulan

sa katunayan, dito ako nakakahanap ng katiwasayan.


mula sa unti-unting pag-ambon

mamumutawi sa aking mukha ang isang ngiti

tila musika ang ingay na dulot nito

hinaharana ang damdaming nangungulila sayo


tunay na hindi hadlang sa akin ang ulan

subalit sa pagdampi ng malamig na hangin

doon ko napagtantong ako'y nagkukulang

na sa bawat ngiti ko'y pagsusumamo sa nakaraan


nawa ay dalhin na ng ulan ang mga ala-ala

isabay sa agos ng tubig sa kalsadang hindi ko man lamang ininda

baka sakaling makakayang patakan ang mata

nang tuluyang maglaho ang pagtingin sa'yo sinta


Recent Posts

See All
M.U.

Ako'y nananahimik lang sa tabi Pero ginulo mo ang buhay ko nang walang pasintabi O kay bilis ng mga pangyayari...

 
 
 
Basurahan

Pinaggamitan, hindi na kailangan, Naubos na ang tinta, wala ng laman, Tapos nang pagtiisan, aking pinagsawaan,

 
 
 

Commentaires


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page