Kaibigan ko Mahal kita pero may mahal kang iba
- anon
- Feb 13, 2021
- 1 min read
Simula pa lamang, ako na ang nasa tabi mo
Kapag may problema ka, ako ang takbuhan mo
Sa tuwing nalulungkot ka, ako ang sandalan mo
‘Pag nasasaktan ka ako ang dumadamay sa’yo
Kapag sinusumpong ka ng kasupladuhan mo
Andito pa rin ako
Kahit tinataboy mo ako
Nananatili pa rin ako
Pero nung may dumating na bago
Nawala na ang pagkakaibigan na binuo
Nung dumating siya nabaliwala ako
Na siyang lagging nariyan para sayo
Sinusuportahan kita sa lahat ng laban mo
Pero ngayon pinipili mong baliwalain ito
Narito ako nagmamahal sayo ng buong-buo
Pero ‘di ko inasahan na sakaniya mo iaalay ang pagmamahal mo
Ako ang palaging nariyan kapag puso mo'y bigo
Hindi naiisip na ako ang mas naninibugho
Lahat na ay inalay para sayo
Pero sa iba mo naman inialay ang lahat ng sayo
Mahal kita pero iba ang mahal mo
Kaibigan kita pero ika'y nag bago
Ano pa bang magagawa ko kung siya ang mahal mo?
Pero pagmamahal ko sayo tuluyan paring di mag lalaho
Hindi ko pipiliting mag-move-on sa’yo
Dahil alam ko sa sarili ko na mahal pa rin kita higit pa kanino
Kaya sana'y hayaan mo na ang pagibig ko'y iparamdam ko sayo
Kahit alam kong hindi mo ito masusuklian gaya ng hinihiling ko
Salamat pa rin kaibigan ko
Kaibigan pa rin kita kahit mahal kita ng todong-todo
Salamat sa araw-araw na pagpapasaya mo
Sana wag mong kalimutan na narito pa rin ako sa likod mo handang dumamay sa’yo
Comments