Flee
- bleedingpen
- Feb 13, 2021
- 2 min read
Kararating ko lamang sa venue ng pagdadausan ng kaarawan ng boyfriend ko. Sa parking
pa lang, alam ko nang maraming tao, he is a social butterfly after all.
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sandaling lumabas ako ng sasakyan. Hindi ko alam
kung bakit pero biglang nanghina yata ang tuhod ko kaya naman mabilis akong kumapit sa
tinted window ng itim kong kotse.
Nang batid kong kaya kon nang maglakad namg tuwid, hinila ko pababa ang itim kong
bistida upang iayos ito. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa grand
entrance.
Nang nakapasok na ako, nagulat ako sa spotlight na tumapat sa akin. Saglit akong nabulag
sa sobrang liwanag nito. Nang nakapang-adjust na ang aking mata, saglit akong lumibot
nang tingin. Napakapormal ng mga tao. Para akong nanonood ng isang palabas tungkol sa
mga hari at reyna. May ilan lang akong kakilala, kabilang doon ang pamilya ko, kaibigan
namin, at pamilya ng boyfriend ko.
Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang lalaking naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
Nakasoot ito ng puting tuxedo, tamang-tama ang contrast nito sa moreno niyang balat.
Nakangiti ang mga may kaitiman nitong mga labi. Kitang-kita sa pagningning ng mga mata
niya ang kagalakan na makita ako.
Hindi nabali ang nakatutunaw na titig nito sa akin. Tila ba ako lamang ang nakikita niya
habang binabagtas ang karagatan ng tao sa venue.
Ginawaran niya ako ng halik sa aking mga labi na gaya ng ngiti niya— matamis, masarap.
Humiwalay na siya sa aking halik subalit hinabol ko ang kaniyang labi. Napamulat ako at
tumambad sa akin ang natatawa niyang mukha.
Saglit siyang humarap sa kaniyang likod at sumenyas ng hindi ko maintindihan. Tumahimik
ang lahat at bumaling sa amin ang kanilang atensyon. May hinugot siya sa kany'ang bulsa
bago lumuhod sa aking harapan.
I froze. Napatitig ako sa hawak-hawak niyang velvet box. Ito na ba 'yon?
Muli akong napatingin sa aking paligid. Masyad sila at naluluha. Napabalik ang aking mga
mata sa aking nobyo nang tumikhim ito bago magsalita.
"Uhh, we've been together for so long— almost eight years. We were high school
sweethearts back in the day. The moment I laid my eyes on you, all I ever wanted is you. When marriage came across my mind, I thought of you, It's gotta be you. Only you." His
voice cracked on the last word. Kaya naman saglit siyang huminga nang malalim.
"Words cannot express how much I love you. So, Ms. Micaella Perez, my future
cardiothoracic surgeon, will you marry me and let me love you for evermore?"
My jaw dropped even though I expected it already. In our eight-long years of relationship, we
have never talked about getting married. The people around me are happy but why can't I be like them? Maybe the thought of marriage does not excite me yet? I have yet to achieve my
ambitions in life and I want all of those before settling with him.
Without a word, I turned my back from him, from everyone inside the hall. With a cluttered
mind, they watched me leave.
Witnessing a grandiose wedding proposal in front of me takes me back to what I have done
years ago. Mapait akong napangiti sa pag-alala ng nakaraaan. Masakit man nung una, wala
akong naging pagsisisi sa ginawa ko noon.
The soon-to-be couple make their way to their designated seats. Nang dumaan sila sa
harapan ko, tumayo ako at binati ang dalawa.
"Congratulations soon-to-be Mr. and Mrs. Evan Altamarino." I happily greeted them while flashing my white smile genuinely.
"Thank you, Doctor Perez." Malaman niyang sabi.
Comments