top of page

Caught in Between

  • Chloe
  • Feb 14, 2021
  • 2 min read

Si strawberry ay kumindat kasi nafall ka sa kaibigan lang dapat.

Hi, I'm Chloe! A senior high school student and I've fallen in love with my best friend.


His name is Kian and we're of the same age. Simula elementary hanggang junior high school para kaming twin pack niyan, laging magkadikit. Buy one, take one. Nagbago lang ngayong senior high kasi sinabi ko sa kanya na hindi siya makakahanap ng girlfriend kung lagi siyang nakadikit sa akin. Karamihan kasi ng mga kaklase namin nung junior high school ay inaakalang mag-jowa kami, lalo na yung mga babae. Habulin pa naman 'to dahil gwapo (oo inaamin ko).


Best friends pa rin naman kami pero hindi na kagaya dati na magkadikit lagi. Hinayaan niya akong magkaroon ng ibang kaibigan bukod sa kaniya at ganoon din naman ako sa kaniya.

Nagulat pa nga ako at nagtampo siya sa'kin noon. Baka daw may boyfriend ako and hindi ko sinasabi sa kanya kaya ko siya pinalayo. But the thing is, kapag patuloy kaming laging magkasama ay mahuhulog ako nang lubusan. Ayoko no'n dahil alam kong hindi niya naman ako sasaluhin kapag nagkataon.


Ako rin naman ang may kasalanan. Nilagyan ko ng malisya yung mga past actions niya kahit ang totoo ay ginawa niya lang 'yon bilang matalik kong kaibigan. One time na malungkot ako, dinala niya pa ako sa Jollibee kasi ang panget ko raw kapag nakasimangot. Akin nalang daw yung balat ng chickenjoy niya noong araw na iyon. Natawa nalang ako kasi hindi talaga 'to sweet pero he tried his best.


Kada mag-nonotif yung chat head niya sa cellphone ko, iho-hold ko muna lahat ng ginagawa ko para makausap siya. Right at that moment, I knew na siya ang priority ko at hulog na hulog na ako.


Delikado na pala kapag ngumingiti ka na sa chat niya.


Sabi ko sa sarili ko, "Hoy tanga ka ba? Wala naman dapat malisya 'yon pero nilalagyan mo. Ayan nahulog ka". I don't know pero I've never felt such care na kagaya noong pinapakita niya sa akin. Hindi ko rin kasi makita yung sarili ko with another person na hindi si Kian. Dumating na rin sa point na na-iimagine ko yung mga nangyayari kapag kami na. Ilusyonada ka, ghorl?


Magaling naman ako umakto na parang wala lang. Walang may alam sa mga kaibigan ko ngayong shs na may gusto ako kay Kian at hindi rin nararamdaman ni Kian mismo. Pero hindi ko rin sure. Kailangan kong mag-doble ingat.


Ga-graduate na kami and nagdadalawang isip ako if aamin ba ako o hindi. Gusto ko rin kasing malaman if may chance ba kaming dalawa. But I'm afraid that he doesn't see me the same way. Mabuti na rin na ma-reject ako para maka-move on ako pero sayang ang friendship namin kasi sure akong may magbabago. Kapag umamin ako, masisira ang friendship namin. Kapag hindi naman ako umamin, hindi ako makakapag move on.


Ang tanga ko 'no? Ikr. Yung mga magkakaibigan diyan, ingat kayo ha. Mahirap itong sitwasyon ko eh. Sana hindi kayo matulad sa akin. ♡

Recent Posts

See All
Second Lead Syndrome

Love is defined as a chemical reaction that our brain releases. That’s just it. Like other things, I wouldn’t believe...

 
 
 
Flee

Kararating ko lamang sa venue ng pagdadausan ng kaarawan ng boyfriend ko. Sa parking pa lang, alam ko nang maraming tao...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page