top of page

"HINDI TAYO PWEDE. HINDI TAYO ANG PARA SA ISA"

Alas sais na ng umaga at ito ako nakasakay na sa jeep patungong school. Ayoko kasing nale-late kaya lagi akong maagang bumabyahe.


Natanaw ko na ang unibersidad na aking pinapasukan kaya pumara na ako. Sa pagbaba ay nakita ko pa ang dati kong kaklase. Si Lewis, kaklase ko no'ng junior high pa lang kami. Hindi ko inaasahan na dito rin pala s'ya magka-college.


"Oy Miks! Pang-college 'to hindi pang elementary." Pang-aasar nito sabay tumawa nang malakas.

Kay gandang pambungad sa umaga galing sa kan'ya. Grabe! Hindi pa rin s'ya nagbabago. Mapang-asar pa rin. At 'yung height ko pa rin ang napapansin.


"FYI lang, college na rin ako, 'no! Hmp! 'Di ka pa rin nagbabago. Kainis haaaa!" Tawa lang ang tangi n'yang naging tugon.


"Anong course mo Miks?"


"Nag-BSA ako. Feeling genius 'to eh." Biro ko sa kaniya. "Uh, ikaw ba?" Balik-tanong ko.


"Engineering, electrical engineering Miks."


Wow! So, he pursue electrical engineering, nung junior high magkaklase kami no'n sa TLE at ang specialization na kinuha namin ay EIM.


Nagpaalam na kami sa isa't isa. May hinihintay pa siguro iyon. Sayang, hindi ko naabutan ang buong tropa nila. Tagal ko na ring hindi nakukumusta at nakakasama ang mga 'yon e.


Dumiretso na ako sa College of Accountancy building. Yeah, I took accountancy as a challenge. And I hope that I made a right decision.


Pagpasok ko ng classroom ay hindi ko inaasahan na makikita ko sya. Sya na matagal ko nang minamahal. I thought he's just my puppy love. Grade 6 pa kase kami noon. Sya yung nagka-crush sakin nun. Eventually, naging crush ko rin sya. Pero walang namagitan samin dahil ayoko pa.


Ayoko pa dahil masyado pa kaming bata noon. Naisip ko na mawawala rin naman siguro ang nararamdaman ko para sa kanya. Yun ang akala ko. Akala ko pag hindi ko na sya madalas nakikita ay mawawala ang feelings ko sa kanya. Ngunit hindi, sa mga nagdaang taon mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya.


Yeah, until now I still have feelings for him. At sigurado akong wala na ang nararamdaman nya para sakin. Isang masakit na bagay na ayokong isipin.


Nakakapagtaka lang kung bakit kaklase ko sya. Ang alam ko wala naman syang interes sa Accountancy ih. Bakit kaya? Ikinibit-balikat ko na lang ang mga katanungan na nabubuo sa isipan ko at umupo na lamang sa bakanteng upuan sa may unahan.


I didn't recognize the girl beside me and I'm just so glad to know who she is. She's my bestfriend from grade school. She's Alliyah, been my classmate from 1st grade til 6th grade. Same school kami nung junior high kaso nga lang di kami naging magkaklase nung 7th grade, magkaklase na sana kami nung grade 8 kaso nag-transfer sya. We still have that communication with each other through social media tho.


"Oh my! Iyah! I miss yooouuuuu!" I exclaimed as I gave her a tight hug. Gosh! How I missed this girl.


"I miss you too Miks, let go now hahaha. I can't breathe," she said.


"Sorry, sorry. I'm sorry Iyah, I just missed you so much," I said as I let her go from my embrace.


"Okay lang Miks, namiss rin kita. It's been 5 long years since we last saw each other."


We have a little more chit chat, until these two approach us. They were Gerald and Cassandra! Gosh! It's like we are united once again. How I miss these two also! I gave them also a tight hug.


"Kaloka, di naman tayo nag-usap usap ah. Ang galing lang hahahaha. Kyaaaahhh! Namiss ko kayo ng sobra sobra," I told them.


"Oy bruhang pandak, ang ingay ingay mo. Nakakahiya sa mga kaklase natin," Gerald said. Uh, this one is gay and we love him just the way he is.


As he said that, tumingin ako sa paligid and nakatingin silang lahat samin. Nakakahiya nga talaga kaya napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan. Grabe, ba't ba kase parang nakalunok ako ng megaphone? Hays!


"Okay lang yan Miks hahaha, grabe ang galing nga. Hindi tayo nag-usap usap and yet magkaklase tayo. Namiss ko ang bond nating apat. Yung pagkain natin ng kung anu-ano sa daan tuwing uwian hahahaha," Sandra said.


Naalala ko yung mga time na yun. Tuwing maglalakad kami pauwi kada tindahan na madaanan namin ay bibilhan namin kaya naman habang nagkukwentuhan ay kumakain rin kami. Si Sandra ang unang makakauwi, sunod naman si Iyah tapos ay si Gerald at ako ang pinakahuling makakauwi dahil ako ang may pinakamalayong bahay sa aming apat. Mistulang ako ang tagahatid nilang tatlo hahaha.


Nagkukwentuhan lang kaming apat at natigil lang nung pumasok na ang prof namin.


---


We're now in our 4th year in college. The four of us been helping each other in studying. Accountancy is a really tough course, sheesh with myself to choose this course but well I'll do my best to graduate.


Masaya naman ang college life ko. Hindi ko rin inaasahan pero finally nagging kami na ni Evan. Niligawan nya ako ng dalawang taon at sinagot ko narin sya nung 3rd year kami. Our relationship is going strong, hindi namin hinahayaan na makasira ang isa’t isa sa pag-aaral namin.


---


"Congrats sa ating apat! Gosh! Ang galing natin! Yey!" Sandra exclaimed.


Kaming apat ay nakakuha ng matataas na marka sa exam namin. Magsunog ba naman kami lagi ng kilay eh, ewan ko na lang talaga pag hindi pa kami nakapasa.


Nasa cafeteria kaming apat dahil vacant naman namin ngayon. Ang dami nga naming pagkain hahaha, well we're celebrating because we achieved those high marks in our exam this sem.


They were talking to each other and I'm just here, eating silently as I watch them celebrating.


---


“Miks, birthday na ni Evan bukas,” Iyah said.


"Ayiiieee, anong gift mo? Nakabili ka ba?" Sandra asked.


“Bruha ang tahimik ah,” sabat pa ni Gerald.


“Should I come tho?” I asked them.


“Ano ba naming tanong yan? S'yempre nandu'n ka dapat.” Iyah said.


“Wala pa akong regalo,” I said.


“Sus, 'yun lang pala. Bruha ‘to! Edi tara nang bumili sa mall mamaya,” Gerald said.


“Ayan, settled na. Bibili tayong gift after class, saan pala ang venue Miks?” Sandra asked.


“Hindi ko pa alam, text ko na lang sa inyo 'pag nagkausap kami ni Van.” I said.


---


I'm already here at the venue. Shoxxxxx! I'm late, ba't naman kase hindi pa ako sinabay nung mga bruha? Nakakahiya tuloy, amp!


Nang buksan ko ang pinto ay bigla na lamang may tumapat na spotlight sa akin. Jusme! Ano 'to? Ba't may pagan'to? Anong gagawin ko? Shoxxxxx! Asa'n ba 'yung tatlo? Nakakahiya na talagaaa!


Naglakad na lang ako at luminga-linga sa paligid upang hanapin sina Iyah. Ano ba 'yan, nakaka-ilang naman ang tingin nila sakin. Bakit ba kase ako sinusundan ng lintik na spotlight na to? Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng mga tao, hindi ko tuloy sila mahanap. Infairness, ang daming tao at hiyang hiya na talaga ako!


As I walk, I saw Evan walking towards me. Shete! Ano na ba kasing nangyayari?


"Akala ko hindi ka na dadating," sabi ni Van nung makalapit na s'ya sa akin.


"Sorry na-late ako. Ano ba 'to? Anong nangyayare? Bakit may nakatutok pa sa aking spotlight?"


Nagulat ako nang bigla na lamang lumuhod sa harap ko si Evan as if he's proposing - Oh my! Is he really going to propose?


"Baby ko, it's been long long years. It all happened back when we are in 6th grade. We're too young back then that's why I understand it when you turn me down. But now, we are grown ups already, baby. I've been into many relationships but it's really you who I love the most. Baby, I love you so, so much. Ikaw at ikaw lang ang babaeng kinabaliwan ko nang ganito.


Ikaw pa rin Miaka, hindi nawala sayo ang pagmamahal ko mula pa noon. Miks, baby ko, are you willing to spend the rest of your life with me? Will you be my other half?"


I'm so speechless. It's his birthday, I should be the one surprising him. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. I saw the people smiling at us. I even recognized my family, oh gosh! They're here! It's all planned then? His family, our friends, classmates and others that I cannot recognize. Those three are smiling at me and they're nodding their head as if telling me to say yes.


Binalik ko ang tingin ko kay Evan. He's smiling so so bright. How could I say no to this man? Of course I am willing to spend the rest of my life with him. I wanna grow old with him. I wanna love him ‘til my last breath. So yes, I will marry this man in front of me. I will marry the love of my life. I will marry you Evan.


I sighed as I’m wiping my tears from falling.


I just woke up crying.


Nagising ako na may luhang bumabagsak galing sa aking mga mata. Buti pa sa panaginip may 'tayo', mayroong 'ikaw at ako'. Ngunit sa reyalidad hindi naman tayo pwede. Iba ang para sayo at iba rin ang para sa akin. Sa reyalidad hindi tayo ang para sa isa't isa. Kasi s'ya ang mahal mo at hindi ako. Mayroong ‘kayo’ at tayo’y wala.


Kung sa panaginip lang pala kita makakasama, pwede bang managinip na lang ako habambuhay? Nang sa ganoon ay matawag man lang kitang akin.


Recent Posts

See All
Caught in Between

Si strawberry ay kumindat kasi nafall ka sa kaibigan lang dapat. Hi, I'm Chloe! A senior high school student and I've fallen in love with...

 
 
 
Second Lead Syndrome

Love is defined as a chemical reaction that our brain releases. That’s just it. Like other things, I wouldn’t believe...

 
 
 
Flee

Kararating ko lamang sa venue ng pagdadausan ng kaarawan ng boyfriend ko. Sa parking pa lang, alam ko nang maraming tao...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page