top of page

Ulan

  • anon
  • Feb 13, 2021
  • 1 min read

Sa pagbuhos ng malakas na ulan,

Mata'y nababasa ng ‘di namamalayan

Sa bawat patak nito sa aming bubungan,

Ika'y lumisan sa aking kanlungan


Tumingin sa kaliwa't sa kanan—

Puro kadiliman ang namamasdan

Ang dating maliwanag na kalangitan,

Ngayo'y kinain na ng malakas na buhos ng ulan


Ang dating masayang pagsasamahan,

Sinalanta na ng mga problemang nararanasan

Ikaw na namalagi na sa aking isipan,

Dahil ang isipin ka ay ‘di ko maiwasan


Habang patuloy ang paglakas ng ulan,

Mga mata'y nananatiling luhaan

Aking minamahal na kasintahan

Naiisip mo man lang ba ako ‘ni minsan?


Ang paglakas ng ulan— sana'y napipigilan,

Na mistulang pagpigil sa lumalabong pag-iibigan

Nais ko mang labanan

Ngunit sa huli'y— tadhana ang may hawak sa ating kapalaran



Ngunit sana— sa paghinto ng ulan

Kasabay sa paglampas natin sa problemang dumaan,

Tayo'y patuloy na lalaban

Dahil tayo'y mas malakas kaysa sa buhos ng ulan


Recent Posts

See All
M.U.

Ako'y nananahimik lang sa tabi Pero ginulo mo ang buhay ko nang walang pasintabi O kay bilis ng mga pangyayari...

 
 
 
Delubyo

hindi alintana sa akin ang ulan ang pagbuhos ng munting patak ng tubig mula sa kalangitan hindi ako kailanman nabagabag ng ulan,

 
 
 
Basurahan

Pinaggamitan, hindi na kailangan, Naubos na ang tinta, wala ng laman, Tapos nang pagtiisan, aking pinagsawaan,

 
 
 

Comentarios


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page