top of page

Kaya ko kaya?

Updated: Sep 30, 2020

Natatakot, nasasabik at kinakabahan samut-saring emosyon ang nararamdaman habang nasa harap ng salamin suot ang malinis na uniform, “Kaya ko kaya?” tanong ko sa aking sarili.


Tandang-tanda ko pa, June 21, 2016, Martes nang nag-transfer ako sa Liceo de San Antonio, isang private school na malapit lang sa bahay namin pero 8:00 am na ako nakapasok nung first day ko . Dahil ngayon pa lamang ako nakatungtong sa isang private school, inaasahang ko na mga English-speaking ang aking mga kamag-aral. "Spokening-dollar" ika nga. Mga matatas magsalita sa wikang Ingles dahil gano'n ang mga napapanood ko sa telebisyon.


Madalas lang akong tahimik sa klase noon, napapanis na nga yata ang laway ko at  kung minsan naman ay halos lumubog na ako sa aking upuan para lamang hindi matawag at makapagsalita sa harap ng klase dahil sa natatakot akong magkamali at mapahiya.


Hanggang sa na-encounter ko si Ma’am Mariz, English Teacher namin siya simula Grade 7 hanggang Grade 10. Tutulungan ka niyang mahalin ang English. Hindi ka niya hahayaang maiwan. Pantay-pantay ang trato, kaya sabay-sabay natututo. Sa tuwing papasok siya sa classroom, “What letter are we?” unang tanong niya lagi samin, yo'n pa lang ang naitatanong n'ya ay alam na namin ang kasunod nito–spelling. Minsan nagiging artista din kami dahil sa mga play at mga film na kailangan naming ipasa. Kaya kung gusto mong matuto at magkaroon ng mataas na grade ay kailangan mo tanggalin ang hiya at takot mong humarap sa tao.


Bakit nga ba unforgettable ang pagkaka-encounter ko kay Ma’am? Dahil sa totoo lang, hindi lamang isang magaling na guro si Ma’am Mariz, isa rin siyang mabuting kaibigan. Sa tagal ng aming pinagsamhan, na halos limang taon din, kahit pa  hindi na niya ako estudyante ay napapagsabihan ko siya ng aking mga problema. Pwede mong sabihin sa kaniya kapag masaya ka, malungkot ka o kahit ano pa ang nararamdaman mo, problema mo sa school, kahit pa sa pamilya mo. Hindi ka niya huhusgahan, makikinig lang siya. Guro, kaibigan, kapatid na iisang tao lamang– na karamay mo sa lahat.


Idagdag pa, kung hindi dahil sa kaniya, mula sa isang kiming dalagita, hindi lalakas ang loob ko na magsalita sa harap ng madla at maging isang mahusay na public speaker. Naging kumpiyansa ako dahil alam kong hindi ako mapapahiya sa grammar ko sapagkat tinilungan ako ni Ma'am Mariz na bumuti sa larangang ito. Buhat dito, naging bahagi ano ng iba't ibang orgranisasyon sa paaralan namin. Naging SSG P.I.O noong grade 7, CYM Treasurer noong grade 8, class president at SSG vice president noong grade 9 at SSG president noong grade. 


Sa huli, sa tuwing haharap ako sa salamin, laging nawawaglit sa isip ko, hindi ko mararanasan ang lahat ng iyan kung hindi dahil sa tulong ng isang huwarang guro na akin ding kaibigan. Isang matamis na ngiti ang makikintal sa aking labi, walang bahid ng kahit anong takot at kaba. "Kinaya ko", sabi ko sa sarili ko.



Recent Posts

See All
Takot. Lungkot. Bangungot.

Tahimik ang buong paligid. Magulo ang kwarto. Lumuluha akong nakatayo sa isang upuang kahoy na inaayos ang higpit ng pagkakabuhol ng...

 
 
 
Higit pa sa Siyam na Buhay

May isang bagay akong hindi nasabi sa kaniya. Hindi ko na nabanggit. Masyadong malabo na ang kinahantungan ng usapang iyon. Hindi kapani-...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page