top of page

Pili-Pino: Binibining Pinili at Pinino para sa Asignaturang Filipino

  • bagyo
  • Sep 28, 2020
  • 2 min read

Updated: Sep 30, 2020

Kaysa yeso at panulat, delikadong mga armas at baril ang mas nanaising hawakan ng kay-pino at mahinahong kamay ni Bb. Ederlyn Ayala na kung tawagin ng karamiha’y "Nanay Edz".

Maging ganap na sundalo ang pangarap ng batang puso ni Bb. Ayala ngunit kinalauna’y nagbago. Minsan ding pinangarap na maging isang brodkaster o ‘di kaya’y abogado na kung tutuusi’y banta sa kaniyang seguridad.


Hindi naging madali para kay Bb. Ayala ang mundo ng pagtuturo dahil mag-isa lamang siyang guro ng Filipino sa Laguna Senior High School. Dahil doon, kinumbinsi siya ng kaniyang kapatid na magturo sa ibang bansa dahil mas malaki ang kita, ngunit tinanggihan niya ito. Tila tinutulak siya ng kaniyang mga paa sa LSHS.

“Mahirap, minsan nga gusto ko na lang magsolo kasi ako ang nagpo-provide ng lahat pero hindi naman ako madamot,” taong 2014, natural na nakaramdam si Bb. Ayala ng hirap sapagkat lahat ng gawain ay sa kaniya nakaatang o nakadepende dahil nga sa kakulangan sa bilang ng guro sa paaralan lalo na sa asignaturang Filipino.

Kung may paghahambingan man si Bb. Ayala sa buhay pagtuturo, iyon ay ang pagtatanghal, naniniwala siyang walang perpektong pag-akting, kinakailangang galing mismo sa puso dahil iyan ang tiyak na makakapagdulot ng malaking epekto sa bawat mag-aaral na tutulong sa’yo at magpapatunay na ang asignaturang Filipino at hindi basta-basta nila-“lang.”

“Mahalin mo ‘yan, Filipino (wika) ang kumakatawan sa iyong pagka-Filipino kung saan ka nagmula, kung ano ka sa kasalukuyan at magsasabi kung sino ka sa darating na bukas,” ani Bb. Ayala. Isang sampal ng katotohanan na paunti nang paunti ang bilang ng mga gurong kumukuha ng asignaturang ito, na dapat sa panahon ngayon ay mas kinakailangan nating palalimin ang ugnayan nito sa bawat indibidwal.

Hindi man pinangarap na maging isang guro, sa proseso nama’y minahal niya ang pagtuturo na isang katok sa ibang mga Filipino na iwinawaglit sa isipan ang isang tatak ng pagiging isang Pilipino, ang asignaturang Filipino. Kung patuloy nating pipiliin ang bagay na makapagpipino sa atin, magtatagumpay hindi lamang tayo, pati na rin ang bansa natin.


Recent Posts

See All
Takot. Lungkot. Bangungot.

Tahimik ang buong paligid. Magulo ang kwarto. Lumuluha akong nakatayo sa isang upuang kahoy na inaayos ang higpit ng pagkakabuhol ng...

 
 
 
Kaya ko kaya?

Natatakot, nasasabik at kinakabahan samut-saring emosyon ang nararamdaman habang nasa harap ng salamin suot ang malinis na uniform, “Kaya...

 
 
 

Comentários


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page