top of page

Simulang Kasama Ka

  • luna
  • Feb 13, 2021
  • 8 min read

“Hindi mo ‘ko iiwan?” Nakakunot-noo kong tanong kay Ysmael. Tumango naman ‘to nang paulit-ulit habang nakangiti na abot na sa buwan.

I smiled sweetly, pero bigla kong binawi ‘yon at saka ko siya binatukan nang malakas. “Kalokohan, mabubusog ka rin sa sinabi mo”

Mula pagkabata kaming dalawa na ni Ysmael ang magkasama. Labag man sa loob kong kaibiganin ‘tong mokong na ‘to. Pero dahil sabi ng nanay ko at ayaw ko naman palayasin sa bahay dahil sa kasupladahan ko, edi gawin nang friend.

Siya na naging sandalan ko hanggang tumuntong kami ng High school. Minsan na rin sumasagi sa isip ko na nakakasawang siya na lang palagi ang kasama ko mula bahay hanggang school dahil sa ilang taong pagkakaibigan naming dalawa.

Hindi ba’t nakakasuka? Pero hala sige, tayo’y magtiis. Kaya eto vacant period namin at kami nabnamang dalawa ang magkasama sa school canteen.

“Libre mo ‘ko?” Tanong sakin ni Ysmael habang hawak hawak ang tuktok ng ulo ko.

Umiling ako, “Kung may pera lang ako, pinag-aral pa kita.” Sabi ko saka tinanggal ang kamay niya at dumaretso na sa counter ng canteen.

“ATE! ISANG FRIES AT BURGER PO!” Sigaw ni Ysmael habang nakaturo saakin “Siya po magbabayad.”

Napairap na lang ako bago kinuha ang tray ng order namin. Si Ysmael naman nakaabang sa exit ng pila at mukhang may balak pang umorder ng isa kaya inabot ko na ang tray pagka bayad ko sa mismong cashier.

“Gusto ko rin ng milktea” sabi nito saakin. “Saka prutas”

Tinignan ako nito habang taas baba ang kilay ng mokong. “Baka naman” at may gana pang dalihin ang balikat ko!

Pagka lapag niya ng tray sa lamesa naming dalawa agad ko siyang sinabunutan. “Walang hiya ka, wala na ‘kong pera!”

Tatawa-tawa naman si Ysmael habang hawak ang kamay kong nasa buhok niya, “Ako na mag babayad ng pamasahe mo mamayang uwian”

Napangiti ako dahil doon at binitawan na ang kaniyang buhok. “Talaga? Dapat lang."

Kinuha na nito ang pagkain niya at tumabi sa akin “Bayaran mo na lang ako bukas” bulong nito bago tumakbo palayo.


“YSMAEL!”


Kinabukasan, hindi ako nakapasok dahil napagod yata ako sa PE Class namin kahapon. Masyadong nanikip ang dibdib ko at ayaw naman tumigil ng pag-ubo ko. Kaya ipinagpaalam na lang ako ni Mama sa adviser namin na hindi ako makakapasok.


“Eto na lang kasi panoorin natin!” Inilagay ni Ysmael ang TV sa Disney plus at saka inilagay sa Frozen II.


Nang malaman ni Ysmael kaninang umaga na hindi ako papasok, hindi na rin siya tumuloy sa school. Kaya ito, nandito kami sa sala at nagtatalo kung anong papanoorin naming dalawa.


“Ano ka bata?”


“Oo, kaya gusto mo ‘ko e.” Taas-baba ang kilay nitong humarap sakin. “Mahilig ka 'di ba sa bata?”


Nanlaki ang mata ko “Asa ka! Saan mo naman napulot 'yan?” Inirapan ko siya para lang mabaling sa iba ang paningin ko. Alam kong namumula ang buong pagmumukha ko!


Dahil sa sinabi niyang ‘yon naging awkward ang atmosphere naming dalawa habang nanonood ng napili niyang palabas. Narinig ko rin na sumasabay sa kanta si Ysmael bago onti-onting sumandal sa balikat ko habang pinag lalaruan ang kamay ko.


Pinagmasdan ko siya sa ginagawa niya, nagulat ako na pinag-saklop nito ang kamay namin dalawa. “Sakto” bulong nito at hinalikan ang likod ng palad ko.


Kagat-kagat ko ang labi ko, pigil-ngiti at pulang-pula sa tabi niya. Hindi na namalayan ang palabas. “Love you, Anna”


Doon ako nanigas sa narinig ko. He loves me?


“Kahit epal kang kaibigan, mahal kita”


Oh.


Nalungkot ako at hindi ko alam kung bakit ganoon. Am I falling to my bestfriend?

Sa bahay na rin natulog si Ysmael kinagabihan kahit na ilang bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa amin. Lalakarin niya lang, kinatamaran pa.


“Okay ka na?”


Tumango ako kay Ysmael at saka binato sa kaniya ang susi ng sasakyan ni Papa. “’Wag na daw tayo mag-commute”


Nasalo naman niya ito at saka sinuntok ang hangin pa itaas. “Payag na si Tito?” Tuwang-tuwa ang mokong “Tara!”


Kinuha niya ang maliit kong bag at inilagay sa back seat, pinagbuksan niya rin ako ng pintuan na hindi ko naman inaasahan.


‘Wag kang ganiyan, marupok ako.


Hatid-sundo ang naging routine namin. Minsan sumasabay ang ibang kaibigan ko dahil iisa lang naman ang dinadaanan namin mula sa school hanggang sa bahay.


“Dito na lang ako” sabi ni Karina.


Itinigil naman ni Ysmael ang sasakyan sa harap ng bahay nila at saka bumaba mula rito, pinagbuksan pa si Karina ng pintuan.


Nagulat ako sa inakto niya na ‘yon.


Nakita ko pa na nagkatinginan ang dalawa at sabay na ngumiti. Si Ysmael na hinatid pa sa tapat ng gate si Karina bago bumalik sa sasakyan kung saan ako naiwan.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagka-uwi naming dalawa. Kaya kinabuksan habang vacant period namin, kaming dalawa ni Ysmael ang nasa lamesa at tahimik siyang kumakain habang ako tahimik rin na nagbabasa.

Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya alam kung paano simulan kaya ako na ang nag tanong. “May sasabihin ka ba? Ang balisa mo. Naiihi ka ba?”

Binaba niya ang tinidor at napatingin sa babaeng dumaan sa lamesa namin, nacurious ako kung sino 'yon dahil sa pag sunod ng mga mata ni Ysmael ay para bang napaka importante tao non.


I fake a smile when I saw who it is.


Si Karina.


Bumalik ako sa binabasa ko at patay malisya sa nakita kong reaksyon n'ya. Ramdam ko rin na nakatitig na siya sa akin. “Payag ka na ligawan ko ang kaibigan mo?”


Expected, but I prefer to ask who. “Sinong kaibigan?”


He looked at me with his eyes full of happiness. “Si Karina? ‘Di ba kaibigan mo ‘yon?”

I forced a smile at dahan-dahan isinara ang librong hawak-hawak ko. “Bakit ka s'akin nagpapaalam? Dapat sa kaniya.” Inirapan ko siya para hindi mahalata ang nagtutubig kong mata.

Napakamot ito sa batok niya “Nahihiya ako, p're." Pagkatapos kong marinig ‘yon, binatukan ko siya nang malakas.

“Ikaw? Nahihiya? Ysmael ikaw ba ‘yan?” I looked at him kaso totoo ngang nahihiya ang mokong. Namumula ang parehong tainga. Hindi ba’t gano’n kapag kinikilig ang isang lalaki?

Pero labag man sa loob kong tulungan si Ysmael na manligaw sa kaibigan ko. Kaso nakikita kong masaya na silang magkasama habang ako naiwan na mag-isa. #SadgirlAko

Ilang buwan na rin ang lumipas mula ng simulan ligawan ni Ysmael si Karina. Ilang buwan na rin akong may nararamdaman kakaiba para sa kaniya. Nagsisimulang manakit ang dibdib ko kapag nakikita na magkasama ang dalawa. Nahuhulog na ata ako sa mokong na ‘yon.

Bakit ba ang sakit umibig sa kaibigan?

“Sa’n pa masakit?”

“Ha?” Napatingin ako sa doctor na nasa harapan ko.

Natawa ito sa sagot ko, “Sa’n pa masakit?” tanong niya ulit.

“Dito po” turo ko sa dibdib ko. Tinutukoy ang puso.

Napailing ito bago binigay kay Mama ang isang papel, reseta ng mga gamot na iinumin ko.

Ilang buwan na rin simula ng malaman naming na may sakit ako. Kaya naisip ko na baka ang bawat pagsakit ng dibdib ko ay hindi dahil kay Ysmael. Kundi ang totoong dahilan ay ang sakit na nararamdaman ko.


Ang kapal naman ng mukha niya kung gano’n.

Pamilya ko lang ang nakakaalam sa sakit na meron ako, hindi na rin ako madalas nakapasok sa school. Bukod sa ayokong makita ang malandi kong kaibigan, bawal na akong mapagod.

Ilang ulit na rin akong pinabalik-balik sa hospital dahil sa lumalalang sakit ko. Nang makita kong umiling ang doctor mula sa salamin ng kwarto kung nasaan ako, doon na ako nawalan ng pag-asa.

Pag-asa na gumaling pa.

Mawawala ata ako sa mundo na NBSB.

Pumasok sila Mama na may ngiti sa labi pero maga ang mga mata. “’Nak gagaling ka na daw." Tinignan ko ang Papa. Malungkot ang kaniyang mata habang binitawan ang kagatang “Lalabas na tayo sa makalawa."

Pero hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa kasinungalingan nila.

Tumakbo ako mula sa kwarto kung nasaan ako. Takbo papalayo sa mga problema na pilit akong hinihila paibaba. Tumakas ako, Tinakasan ko ang mga tao na nag-aalaga sakin.


Kaso hindi na ata ako gagaling pa.

Nakaabot ako sa parke kung saan madalas kami mag kita ni Ysmael dati kapag hindi okay ang isa’t isa. Pati hindi naman ako napagkamalan baliw dahil naka civilian akong damit.

Kaya lang, hindi pa nagrereply si Ysmael na magkita kami sa parke. Pero nag-antay ako ng ilang minuto.

Ilang minuto akong nakaupo sa gazebo, hanggang sa umabot ng ilang oras ang pag-aantay ko. Tinatawagan ko pero walang sumasagot. Nawawalan na rin ng mga tao sa parke kung nasan ako dahil nagsisimulang mag-ingay ang kalangitan.

Mukhang uulan pa yata.

Isang tawag na lang, kapag hindi pa sumagot si Ysmael. Babalik na ako sa hospital.

Pero bago pa ako tumawag, Nakita ko ang pangalan niyang nag flash sa screen ng cellphone ko.


Sa sobrang excited ko, pahiyaw kong sinagot ang tawag niya. “YSMAEL!! Papunta ka na?”

Kaya lang, mukhang hindi niya nabasa ang text ko na magkita kami ngayon dahil may sasabihin ako sa kaniya. “Anna, Where are you?”


Nawala ang sayang naramdaman ko kani-kanina lang, “Hindi mo ba nabasa?” Pilit kong pinakalma ang boses ko.


“Nabasa ko” I gulped. “Bakit…hindi ka pumunta?” Ilang minuto bago siya nakasagot.

“I’m with Karina. Sinugod siya sa hospital kanina”


Napatango-tango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita, “Ahh...” Hangin na lamang ang lumabas sa kanina ko pang nakabukas na bibig kasabay ng pagtagas ang luhang kanina ko pang pinipigil.


Ako rin. “Sana naman diba…” I stopped mid-sentence “You informed me para hindi na ‘ko nag-antay pa.”


He did not answer. “Nagka-jowa ka lang, kinalimutan mo na kaibigan mo.” sabi ko sakaniya. “Alam mo ba? S'yempre hindi pa.”


I forced a laugh, kahit na tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.


“Sa sobrang makakalimutin mo, hindi mo na ‘ko nakukumusta." Tumayo ako mula sa pagkaka upo at lumabas na sa gazebo kung saan ko siya inantay.


Sa paghakbang ng paa ko palabas sa gazebo, doon nagsimulang mag bagsakan ang malalaking patak ng ulan.


“Sorry.” Bukod tanging sinabi ni Ysmael.


Sorry? Wow.


“May sakit kasi si Karina nitong nakaraan," bumuntong hininga siya “Kaya hindi na kita nakumusta pa, Okay ka lang naman ‘di ba?”


Hindi ka man lang nagtanong kung bakit hindi ako nakapasok ng ilang buwan. Ganon na rin ba kalala ang sakit ng mahal mo?


Umiling ako “Okay lang ba 'yung…” Naglakad ako papalabas ng parke. Basang sisiw na ‘ko. “Mawawala ka na sa mundo?”


“Yung bang wala ka nang pag-asa na gumaling pa.”

Malakas ang ulan, aaminin ko. Pwede bang magkasakit pa ang may sakit na? Baka kasi lagnatin ako kasi wala akong payong tapos basam-basa pa akong naglalakad sa kalsada.

“Kasi ‘di ba, hindi kaya ng pamilya ko na ipagamot ako sa ibang bansa. Kaya dito nalang sa Pilipinas”


Inantay kong sumagot si Ysmael, kaya lang mukhang natahimik.

“Tapos 'yung isang kaibigan ko na tanging inaasahan ko. Bigla na lang nawala.” I looked at the night sky.


Kahit maulan, kitang-kita mo ang kagandahan ng buwan.

“Ang ganda ng buwan, ano?”I reached for the moon, “Ysmael, Kabilang Buhay, 1:50 to 2:15. Listen to that.”


I ended the call. Nakatayo sa gitna ng kalsada habang basam-basa mula sa ulan. Nakakapagod din pala ang mag lpanggap na okay lang ang lahat. Nakakapagod maging masaya sa tingin ng iba. Habang ako, nakatitig na sa liwanag na papalapit mula sa pwesto ko.


Isang malakas na busina mula dito at ang pag sigaw ng mga tao. Pumikit ako, tinanggap na ito na ang kapalaran ko, inaantay na lang na mabangga mula sa sasakyan na ilang kilometro nalang ang layo. Pero sa pagdilat ng mata ko, isang pagtigil ng sasakyan ang narinig ko.


Doon lumabas mula sa sasakyan ang lalaking hindi ko na inaasahan. Punong-puno ng pag-alala ang bumabalot sa kaniyang mukha, hindi na rin alintana ang lakas ng ulan at ang isipin na baka magkasakit siya.


Isang mainit na yakap ang bumalot sa buong katawan ko habang nanlalambot na ang mga tuhod ko. Unti-unti na rin nawawala ang paningin ko, habang ang lalaking nasa harapan ko, paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.


“Ysmael…”


Recent Posts

See All
Caught in Between

Si strawberry ay kumindat kasi nafall ka sa kaibigan lang dapat. Hi, I'm Chloe! A senior high school student and I've fallen in love with...

 
 
 
Second Lead Syndrome

Love is defined as a chemical reaction that our brain releases. That’s just it. Like other things, I wouldn’t believe...

 
 
 

Comments


© 2020 by LSHS Campus Journalism
bottom of page